Kelot itinumba sa Tondo

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting ng Manila Police District Homicide Section, alas-10:05 ng gabi kamakalawa ng magyari ang insidente habang nakiki­pagkuwentuhan ang biktima sa ilang mga kaibigan sa pagitan ng Building 5 at Bldg 6 ng Permanent Housing sa Balut, nang biglang lumutang ang salarin na nakasuot ng face mask, long sleeve shirt na itim, shortpants at tsinelas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na lalaki nang pagbabarilin , habang nakikipagkuwentuhan sa kanyang mga barkada sa Balut, Tondo, Maynila, Linggo ng gabi.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center  ang biktimang si Gregorio Alba Alcantara, ng  Building Housing Permanent, Balut, Tondo dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCMS Joseph Kabigting ng Manila Police District Homicide Section, alas-10:05 ng gabi kamakalawa ng magyari ang insidente habang nakiki­pagkuwentuhan ang biktima sa ilang mga kaibigan sa pagitan ng Building 5 at Bldg 6 ng Permanent Housing sa Balut, nang biglang lumutang ang salarin na nakasuot ng face mask, long sleeve shirt na itim, shortpants at tsinelas.

Walang sabi-sabing mabilis na pinaputukan ng magkakasunod ang biktima, na nagawa pang makatakbo subalit hinabol pa siya at muling pinaputukan na ikinabagsak nito.

Isinugod pa sa ospital ang biktima na hindi na umabot ng buhay. Patuloy pa ang imbestigasyon para matukoy ang pagkilanlanng suspek at motibo sa pamamaslang.

Show comments