‘Double cross’ sinisilip sa pagkawala ng 29 sabungero
MANILA, Philippines — Tinitignan ngayon ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang posibilidad na ‘double-cross’ ang motibo sa pagkawala ng 29 sabungero sa Metro Manila at tatlong probinsiya.
Ayon kay CIDG Dir. Albert Ferro, lumilitaw sa kanilang inisyal na imbestigasyon na ‘tyope’ o “ double cross” ang ugat ng mga kaso ng pagkawala ng mga sabungero.
Paliwanag niya sa ‘tyope,’ ang mga sabungero ay tumataya sa manok ng kalaban sa halip na sa kanilang mga panabong.
Ang unang insidente ay sa Manila Arena noong Enero 14 at sinundan pa ng katulad na insidente sa Laguna, Batangas at Rizal.
Dagdag pa ni Ferro, may isang operator na umatras sa taya na P200 milyon at hindi na rin ito matagpuan.
Karamihan din aniya sa mga nawawala ay sangkot sa online sabong.
- Latest