Quezon City bukas sa kahit sinong presidentiables - Mayor Joy
MANILA, Philippines — Bukas ang Quezon City sa lahat ng political parties at affiliation para magsagawa ng aktibidad sa lungsod.
Ito ang inihayag ni Mayor Joy Belmonte na mandato naman niya bilang alkalde na payagan ang mga residente na pumili ng gusto nilang mamumuno sa bansa.
“It is part of my duty and mandate as their Mayor to allow QCitizens to make an informed and impartial choice for their leaders.We know that Quezon City is a preferred venue for national candidates to hold rallies, as we have many ideal locations to hold these events. In this regard, we are an open city, so that our constituents can learn as much as they can about the candidates who visit us,” paliwanag pa ni Belmonte.
Si Belmonte ay walang sinamahang partido politikal sa national at siya ay tumakbo sa ilalim ng local Serbisyo sa Bayan Party.
Wala rin sinumang inindorsong presidential candidate si Belmonte bagamat halos lahat sa mga ito ay mainit na tinanggap nang magsagawa ang mga ito ng kanya-kanyang aktibidad sa lungsod.
“Each of the presidentiables brings something unique and admirable to the position they are seeking. As a locally elected official, I am always privileged to welcome them to the city, and give them an equal chance to engage our approximately 1.4 million voters,” dagdag ni Belmonte.
“Being an open city, we would just like to remind all rally organizers to coordinate in advance with our LGU, so that we may provide them with the best assistance and manpower for their events,” sabi pa ni Belmonte.
Nagpaalala rin si Belmonte na habang ang NCR ay nasa moderate Alert Level 2 dulot ng pandemic ay pinaalala niya sa bawat isa na maging prayoridad ang kaligtasan ng lahat.
- Latest