Urban farming sa Quezon City, pinalawak pa ni Mayor Joy
MANILA, Philippines — Binuksan na ng Quezon City University ang Center for Urban Agriculture and Innovation.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ito ay para mapalawak pa ang kaalaman sa urban farming.
Ayon kay Belmonte, katuwang sa programa ang Department of Agriculture - Agricultural Training Institute (DA-ATI) at QC Government’s Sustainable Development Affairs Unit (SDAU).
Sinabi pa ni Belmonte na magbibigay ang center ng training at development activities sa urban agriculture.
Magbibigay aniya ang DA-ATI ng P14.5 milyon na pondo para ma-develop ang center.
“This is part of our effort to create a smart and sustainable city. Through this Center for Urban Agriculture, we can learn how to further expand our urban farming initiatives, and include our students and other stakeholders in the process,” pahayag ni Belmonte.
Kabilang sa alok ng center ang bee farm na may inisyal na limang bee colonies na popondohan ng QCU cooperative.
“This program is to reinforce our commitment to the sustainability of QC’s urban farming initiatives. With our vast campus grounds, we aim to maximize it by incorporating programs and projects that are aligned with the development goals of the city government,” pahayag ni QCU President Dr. Theresita Atienza.
- Latest