Presyo ng petrolyo, taas na naman

MANILA, Philippines — Muling magtataas ang presyo ng produktong petrolyo simula bukas.

Ito na ang ika-7 sunod na linggong walang humpay na oil price hike.

Ang Chevron Philippines ay magpapatupad ng dag­dag-presyo sa halagang P1.20 sa kada litro ng gasolina, P1.05 kada litro ng diesel at P0.65 sentimo kada litro ng kerosene epektibo alas -12:01 ng mada­ling araw ng Pebrero 15.

Ang Petron Corporation at Pilipinas Shell at independent player na Seaoil Philippines ay alas 6:00 naman ng umaga ng Martes ang simula ng pagpapatupad ng bagong dagdag presyo.

Gayundin ang Thai-led PTT Philippines, Phoenix ­Petroleum, Total Philippines, Unioil Philippines at Petro Gazz na alas-6:00 din ng umaga sa kanilang produktong gasolina at diesel sa parehong dagdag na presyo habang ang Clean Fuel ay pagsapit pa ng alas-4:01 ng hapon.

Epekto umano ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ang malawakang kaguluhan sa Kazakhstan at Libya, dalawang pangunahing producer ng langis, dahilan pagkagambala sa suplay.

Show comments