Big-time oil price hike, larga uli

Sa pagtaya ng ­Unioil Petroleum Philippines, simula bukas, Pebrero 8, posibleng nasa P1.10 hanggang P1.20. dagdag sa presyo ang ipatutupad sa kada litro ng diesel habang sa gasolina ay P1.00- P1.10 sa kada litro.
STAR/File

MANILA, Philippines — Inaasahan ang panibagong pagtataas sa ­presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes.

Sa pagtaya ng ­Unioil Petroleum Philippines, simula bukas, Pebrero 8, posibleng nasa P1.10 hanggang P1.20. dagdag sa presyo ang ipatutupad sa kada litro ng diesel habang sa gasolina ay P1.00- P1.10 sa kada litro.

Karaniwang tuwing Lunes nag-aanunsiyo ang mga kumpanya ng langis para sa price adjustments na iiral kinabukasan.

Ito na ang pang-anim na sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo na may kabuuan o total net increase na P4.95 sa kada litro ng gasolina at P7.20 naman sa diesel.

Show comments