Big-time oil price hike, larga uli
MANILA, Philippines — Inaasahan ang panibagong pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na Martes.
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, simula bukas, Pebrero 8, posibleng nasa P1.10 hanggang P1.20. dagdag sa presyo ang ipatutupad sa kada litro ng diesel habang sa gasolina ay P1.00- P1.10 sa kada litro.
Karaniwang tuwing Lunes nag-aanunsiyo ang mga kumpanya ng langis para sa price adjustments na iiral kinabukasan.
Ito na ang pang-anim na sunud-sunod na pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo na may kabuuan o total net increase na P4.95 sa kada litro ng gasolina at P7.20 naman sa diesel.
- Latest