MANILA, Philippines — Puspusan ang isinasagawang 24/7 na imbestigasyon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang matukoy ang mastermind at matunton ang kinaroroonan ng 26 nawawalang mga sabungero kabilang ang isang buntis.
“The PNP- CIDG is working round the clock in the conduct of this investigation. It is collecting all the necessary information and evidence,” pahayag ni PNP-CIDG Director P/Major Gen. Albert Ignatius Ferro.
Base sa impormasyong natanggap, mahigit walong buwan nang nawawala ang 10 sabungero sa Bulacan at nanggaling din umano sila sa kaparehong cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna na pinuntahan din ng ibang sabungerong nawawala.
Unang napaulat ang apat na sabungerong nawawala sa Sta. Cruz noong January 13.
Sinundan ito ng isa pang insidente ng anim na sabungerong nawala sa Maynila sa kapareho ring araw.
Samantala ang buntis ay sumama lamang umano sa kanyang nobyo na nagpunta sa sabungan sa Laguna.
“Let us use all our resources and assets on the ground to solve this case. It is our commitment and responsibility to the families of the missing persons. Let us give our investigators on the ground our full support,” sabi ni Ferro.