Pagkumpirma ng COA: Quezon City nakumpleto ang 2020 audit documents, fake news pinabulaanan

The photo of the Commission on Audit's office in Quezon CIty taken on Aug. 17, 2021.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Commission on Audit (COA) na nakumpleto na ng Quezon City Government ang audit documents nito para sa taong 2020, na may kaugnayan sa ?479 milyong bayad para sa pagbili ng lungsod ng mga relief packs.

Kinilala rin naman ng COA na ang mga dokumento ay nakatalima sa kanilang audit standards at walang iregularidad na nakita dito.

Nabatid na nag-isyu ang COA ng sertipikasyon matapos na sabihin ni mayoralty candidate at Anak Kalusugan Representative Mike Defensor na iniimbestigahan ng COA ang QC Local Government Unit (LGU) dahil sa naturang mga biniling relief packs.

Hindi naglaon, natukoy na wala naman itong katotohanan dahil hindi naman iniimbestigahan o nire-reprimand man lang ng COA ang QC LGU, at sa halip ay humiling lamang ang komisyon ng dokumentasyon upang makumpleto ang kanilang year-end audit.

Kaugnay nito, umaasa naman si Pia Morato, tagapagsalita ni QC Mayor Joy Belmonte na ngayong nag-isyu na ng sertipikasyon ang COA ay matutuldukan na ang isyu.

“With this COA certification, I hope we can finally put these ridiculous accusations to rest,” aniya pa.

“As mentioned previously, this was a sad attempt to turn very old news into fake news, and unfortunately, even the COA had to be involved in this nonsense,” dagdag pa niya.

Nang unang pumutok ang isyu, nilinaw na ni Morato na ang COA excerpt na tinutukoy ni Defensor ay lumang report na ipinaskil ng state auditor sa kanilang website noong Hulyo 2021 pa.

Dagdag ni Morato, nakapagsumite na ang QC LGU ng mga kinakailangang dokumento ng nasabing linggo rin, kung kailan ito hiniling ng COA.

Nang taon ding iyon, ginawaran pa nga ang lokal na pamahalaan ng pinakamataas na audit rating, na natanggap nito sa kanilang buong kasaysayan.

“I’m not sure what the good Congressman was thinking when he made these allegations, because they are so easily verifiable as fake. We would once again like to thank the COA for its thorough audit and recognition of our city’s transparency and integrity, in awarding us with an unpre­cedented Unqualified Opinon,” pagtatapos pa ni Morato.   — Angie dela Cruz

Show comments