Call center agent, wanted sa rape arestado
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang isang call center agent na wanted sa kasong rape sa isang operasyon sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGEN Antonio Yarra, ang naarestong suspek ay nakilalang si Joneth Meneses, 31, ng Brgy., Pasong Putik Proper, Quezon City.
Si Meneses ay itinuturing na No. 5 Station Level Most Wanted Person ng Pasong Putik Police Station (PS 16).
Batay sa ulat ni PS 16 commander, Lt. Col. Richard Mepania, nabatid na si Meneses ay inaresto dakong alas-8:00 ng umaga sa kanyang tahanan sa bisa ng nakabinbing warrant of arrest sa kasong rape na inisyu ni Hon. Maria Gilda Panganiban, Presiding Judge ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 230.
Walang piyansang inirekomenda ang hukuman para sa pansamantalang paglaya ni Meneses.
Nakatakda namang impormahan ng mga pulis ang court of origin hinggil sa pagkakaaresto sa akusado.
- Latest