^

Metro

Pagbitbit sa mga bata sa matataong lugar, iwasan PNP sa mga magulang

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pagbitbit sa mga bata sa matataong lugar, iwasan PNP sa mga magulang
Makikitang naka-face mask ang mga bata at magulang na ito habang naglalakad noong pumutok ang Bulkang Taal noong Enero 2020.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines — Limitahan ang pagsasama sa mga bata sa mga matataong lugar.

Ito naman ang  panawagan ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos sa mga magulang  bunsod  pa rin ng banta ng  COVID- 19 virus.

Ayon kay Carlos, dapat na  iwasang isama ang mga menor de edad sa mga matataong lugar sa posibilidad na makakuha  ng  virus  mula sa iba’t- ibang sakit lalo pa nga’t wala pang bakuna ang karamihan sa mga ito.

Aminado si Carlos na hindi nila mapagbawalan ang mga menor de edad sa mga pampublikong lugar sa ilalim ng Alert Level 2 at level 3 dahil pinapayagan silang lumabas sa ilalim ng mga guidelines ng IATF.

Subalit kapansin pansin na aniya ang overcrowding sa ilang mga lugar dahil sa kasama ng mga magulang ang kanilang mga anak kaya sa mga magulang na sila mananawagan.

Nilinaw pa ni Carlos na nirerespeto nila ang desisyon ng mga magulang na dalhin ang kanilang mga anak para dumalo sa mga importanteng aktibidad subalit  mas kailangan na  ikonsidera  ang  banta  ng COVID -19.

Mas makabubuti kung sumunod sa minimum public health standard para na rin sa kaligtasan ng mga bata.

DIONARDO CARLOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with