4 na MRT stations, planong gawing on-site vax site

In this May 31, 2020 photo, MRT-3 readies its premises ahead of the implementation of general community quarantine in Metro Manila.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Apat na istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang plano umanong lagyan ng Department of Transportation (DOTr) ng on-site vaccination center.

Sa Talk to the People kay Pang. Rodrigo Duterte, sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na kabilang sa mga naturang MRT-3 stations ay ang Cubao, Shaw Boulevard, Boni, at Ayala.

Nilinaw naman ni Tugade na kailangan pa muna itong aprubahan ng Department of Health (DOH).

“The vaccination facilities that we will put up ...will be in accordance with the details, policies, and requirements of the DOH,” ayon kay Tugade.

Bukod naman umano sa mga istasyon ng MRT-3, sinabi ni Tugade na plano rin ng DOTr na maglagay ng mga on-site vaccination sites sa mga paliparan at mga daungan.

“Mayroon din sa air, terminal 4, nag-set aside kami ng lugar doon na kung kinakailangang ma­ging vaccination facility sa paliparan,” anang kalihim. “Mayroon din sa north harbor na tinatayo namin.”

Matatandaang pinaiigting ng pamahalaan ang pagbabakuna sa mga eligible na mamamayan upang mapigilan ang pagkalat pa ng mas nakahahawang Omicron variant ng COVID-19.

Show comments