MANILA, Philippines — Nagpalabas ang Quezon City government ng guidelines para matiyak na ang lahat ng COVID-19 testing sa lungsod ay maisasagawa ng maayos at ligtas ang mamamayan.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte ang naturang guidelines ay may malaking tulong para makatiyak na ang test kits na gamit dito ay FDA-approved, may kaukulang training para dito ang mga medical professionals at mananatiling ligtas dito ang mga residente ng QC.
“Private groups or other government agencies that want to conduct mass testing activities are very much welcome in our city. However, we have to make sure that these activities are properly coordinated with our City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU),” pahayag ni Belmonte.
Anya ang koordinasyon ay makatitiyak na ang lahat ng test results ay maipadadala sa health department para sa kaukulang aksyon.
“The city must be strictly notified of all individuals who test positive so they can be enrolled in our Community Case Management Program and be given homecare kits or be sent to our quarantine facilities, as the case may be,” sabi pa ni Belmonte.
Sa ilalim ng Memorandum No. 05-22 o Guidelines for Mass COVID-19 Testing Activities sa QC, ang lahat ng pagsusuri ng DOH-accredited private clinics at laboratories, kasama ang QC Government, Government-owned hospitals, at private hospitals sa lungsod, ay referred bilang ‘extra-ordinary’ testing.
Nakasaad sa guidelines, ang senior citizens at yaong may mga comorbidities at walang access para maipasuri ang sarili ay dapat na iprayoridad.
Ang sulat ay dapat na matanggap dalawang araw bago ang pagsasagawa ng aktibidad. Sa sulat ay dapat ilagay ng proponents ang pangalan ng proposed COVID-19 testing activity, detalye ng assigned contact person at ng proposed date, oras at lugar ng aktibidad.