‘Resbakuna sa Botika’ umarangkada na rin sa Parañaque

MANILA, Philippines — Inilunsad na rin ka­hapon sa Para­ñaque City ang “Resbakuna sa Botika” sa pamamagitan ng The Gene­rics Pharmacy (TGP) Brgy. Sun Valley para sa mas mabilis na pagbibigay ng booster shots at maging ng first at second dose.

Pinasalamatan ni  Mayor Edwin Olivarez ang pagdalo nina  Presidential Adviser for Flagship Program and Projects Secretary Vince Dizon at Robina Gokongwei-Te, presidente ng  TGP sa paglulunsad ng  “Resbakuna sa Botika.”

Sinabi ni Olivarez na bukod sa booster shots, magsasagawa rin nang pagbabakuna para sa first dose at second dose sa mga ‘di pa bakunado ang TGP.

Binigyang-diin ni Oli­varez ang kahalagahan ng pagpapabakuna laban sa CO­VID-19 kaya wala pa sa 20 porsyento okupado ang treatment facility sa lungsod, ayon sa ulat ng  City Health Office (CHO) at City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Patuloy pa rin, aniya, ang pagbabakuna sa bawat barangay.

Sinabi ng alkalde na 732, 346 na residente na katumbas ng 140.45 porsyento ang nakatanggap ng kanilang unang doses, 677, 976 o 130.03 porsyento ang fully vaccinated, habang 112,366 ang nakatanggap ng kanilang booster shot.

Show comments