^

Metro

Parañaque hinigpitan na rin ang pagkilos ng mga ‘di bakunado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Parañaque hinigpitan na rin ang pagkilos ng mga ‘di bakunado
Passengers present their vaccination cards to personnel upon entry at the Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) in Tambo, Parañaque City on Thursday, Jan. 13, 2022. The Department of Transportation has started implementingn a "no vaccination, no ride" policy on public transportation throughout Metro Manila.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Opisyal na ipinagbawal kahapon ng pamahalaang lungsod ng Parañaque ang pagpasok ng mga ‘di bakunado sa mga mall, restaurant at pampublikong transportasyon kasunod ng pag-apruba ng isang ordinansa.

“Ang mga taong hindi nabakunahan para sa COVID-19 ay dapat manatili sa kanilang mga tirahan sa lahat ng oras, maliban kung talagang kinakailangan,” sabi ni Mayor Edwin Olivarez matapos lagdaan ang ordinansa.

Sa ilalim ng Ordinansa Blg. 1, serye ng 2022, ay kinokontrol ang paggalaw ng mga hindi bakunadong indibiduwal  sa teritoryal na hurisdiksyon ng Parañaque habang nasa antas ng alerto at nagbibigay ng mga parusang lalabag dito.

Nasa ilalim na ngayon ng mas mahigpit na Alert Level 3 ang Metro Manila hanggang Enero 31.

Nagtala ang City Health Office ng pagtaas sa mga aktibong kaso kasunod ng pagdiriwang ng holiday at bisperas ng Bagong Taon. Mula sa isang aktibong kaso noong Disyembre 24, umakyat na ito sa 548 na aktibong kaso noong Enero 17.

Sinabi ni Olivarez, kasalukuyang chairman ng Metro Manila Council, na ang mga hindi nabakunahan ay ipinagbabawal sa indoor at outdoor/al fresco dining sa mga restaurant o iba pang food establishments na matatagpuan saanman sa lungsod.

May nakapataw na P1,000 multa sa unang paglabag, P3,000 sa pangalawa at P5,000 sa ikatlo at kasunod na paglabag.

Sinabi ng alkalde na sinumang tao na magpapalsipika sa COVID-19 vaccine card ay kakasuhan sa ilalim ng umiiral na mga ordinansa ng lungsod nang walang pagkiling sa pag-uusig sa ilalim ng iba pang naaangkop na batas.

OPISYAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with