Libreng antigen testing handog ni Arjo Atayde
MANILA, Philippines — Inilunsad ng award-winning actor na si Arjo Atayde, na tumatakbo bilang Congressman ng unang distrito ng Quezon City ang malawakan at libreng Brgy. Antigen testing upang masawata ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Sisimulan ito ngayong Huwebes, Enero 13 mula 9AM hanggang 5PM sa Brgy. San Antonio, San Jose Street Basketball Court; Enero 14 naman sa Brgy. Bahay Toro, Bahay Toro Basketball Court; at Enero 15 sa Brgy. Paltok, Mendoza Street Basketball Court.
Ayon kay Atayde, na kilala sa kanyang slogan na Aksyon Agad, mahalaga ang testing upang matigil ang pagkalat ng virus.
Aniya, maraming residente sa District 1 ng QC ang walang libreng access sa antigen testing lalo pa at importanteng malaman ng bawat isa kung sila ay infected ng virus. Dagdag pa ng aktor maaaaring magpasuri ang lahat kasama ang buong pamilya. Para sa karagdagang impormasyon at updates, i-like ang Lodi Cong Arjo Atayde sa Facebook.
- Latest