^

Metro

Private hospitals sa NCR Plus, napupuno ng COVID-19 patients

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Private hospitals sa NCR Plus, napupuno ng COVID-19 patients
A sign is placed at the emergency entrance of the Makati Medical Center in Makati City as the private hospital reaches full capacity for the COVID-19 cases on Sunday, March 14, 2021.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Nababahala na ang Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 sa mga pribadong ospital sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Ito ang inihayag ni  Dr. Jose Rene de Grano ng  Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), na nagsabing partikular na naramdaman ang pagtaas ng pasyeteng may COVID sa National Capital Region (NCR),  gayundin sa  Bulacan, Cavite, Laguna at  Rizal.

Anya, sa ibang lugar naman ay hindi pa tumataas ang kaso ng COVID-19.

“Saka ‘yun nga po ang ­ating mga pribadong hospitals po, ang mga nakahanda po ‘yan sa mga moderate severe and critical na kaso ‘no. At if you will note, dito po sa mga lumalabas na kaso natin, although mataas talaga ang cases, number of cases, ay usually mild and asymptomatic po,” dagdag pa ni de Grano.

Idinagdag pa nito na  aabisuhan na nila ang mga miyembro na ipatupad ng maayos ang safety protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus sa loob ng mga pagamutan.

“May mga ilang ospital po na nagkaroon ng COVID-19 ‘yung mga kanilang healthcare workers, siyempre po kailangan nating i-quarantine ‘yung mga ‘yun, lalo na ‘yung kanilang mga direct contacts, para hindi po kumalat ‘yung infection,” dagdag ni De Grano.

Samantala, sinabi rin ni De Grano na patuloy ang ugnayan ng kanilang  hanay sa  PhilHealth hinggil sa  hindi nababayarang claims ng ilang mga pribadong ospital lalo pa nga’t sumisirit na ulit ngayon  ang kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang Philhealth ang sumusuporta sa pagpopondo sa mga tinatamaan ng virus na dinadala sa mga pagamutan.

PHAPI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with