^

Metro

6 counts ng frustrated murder iniharap vs mag-utol na sundalo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan  na ng anim na bilang ng kasong frustrated murder ang magkapatid na sundalo na namaril at nakasugat sa anim na tao noong araw ng Pasko sa Taguig City.

Kinilala ni Police Colonel Gerson Bisayas, hepe ng Ta­guig Police Station, ang mga sundalo na sina Army Captain Nheiljay Garcia at Probationary 2nd Lieutenant Felomino Garcia.

Nabatid na si Capt. Garcia ay nakatalaga sa Training and Doctrine Command sa Capas, Tarlac, habang si 2Lt. Garcia naman ay sa  Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig.

Nagpapasalamat si Bisayas na walang nasawi sa anim na biktima kung saan nakalabas na ng pagamutan ang lima sa kanila habang isa ang patuloy na nakaratay sa ospital pero nasa maayos nang kondisyon.

Unang nakilala ang mga biktima na sina Edsel Hecita Polo, 28; JD Umbaro Navales, 24; John Carl Marca Sabino, 18; at tatlong minors na may edad 17, 16, at 14.

Nasa Wildcat Village, Barangay Pinagsama, Taguig ang dalawang sundalo at nakikipag-inuman sa third-floor ng isang bahay nang may mambato umano sa grupo ng mga suspek.

Pero ayon sa mga biktima, magtatapon sila ng basura nang may mambato sa kanila. Ibinalik daw ng mga biktima ang ibinato sa kanila dahilan para sila pagbabarilin.

GERSON BISAYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with