MANILA, Philippines — Timbog ang isang construction worker na naaktuhan may sukbit na baril nang madaanan ng nagpapatrulyang mga tauhan ng Taguig Police sa Brgy. Maharlika, Taguig City.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Jimili Macaraeg ang suspek na si Lijandro Abdul, 34, residente ng Jolo St., Brgy. Maharlika, Taguig City.
Sa ulat ng Taguig Motorcycle Patrol Unit (TMPU), dakong alas- 3:15 ng hapon nang sitahin ang suspek habang nakatambay sa nasabing kalye. Nang kapkapan ay nakita sa kanya ang isang kalibre .38 Smith and Wesson na may kargang 2 bala.
Nakapiit sa Taguig Detention Management Unit ang suspek na isinailalim sa inquest proceedings kaugnay sa ilegal na pagdadala ng baril
“Mas pinaigting po natin ating mga anti-criminality operations ngayong kapaskuhan upang masigurado ang mapayapang pagdiriwang ngPasko at mapanatili ito hanggang sa pagsapit ng Bagong Taon , ani Macaraeg.