^

Metro

5 King Cobra nakumpiska sa NBI entrapment

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
5 King Cobra nakumpiska sa NBI entrapment
Inaresto ng mga tauhan ng NBI-Environmental Crime Division ang isang babaeng Chinese national na itinago muna ang pagkakakilanlan.
STAR / File

MANILA, Philippines — Limang buhay na King Cobra ang nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) habang ibinebenta sa isang pet shop sa Binondo, Maynila ka­makalawa.

Inaresto ng mga tauhan ng NBI-Environmental Crime Division ang isang babaeng Chinese national na itinago muna ang pagkakakilanlan.

Ayon kay NBI-ECD chief, Head Agent Jun Capreso,  nakatanggap sila ng ulat ng lumalakas na bentahan ng mga wildlife na iniluluto sa mga restoran na naghahain ng exotic food.

Nagsagawa ng intelligence operation ang NBI hanggang sa matunton nila ang tindahan sa Binondo na nag-aalok ng mga buhay na ahas at iba pang pinangangalagaang hayop.

Katuwang ang mga kinatawan ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR), nagsagawa ng entrapment operation ang NBI sa tindahan at naaresto ang babaeng Chinese nang pagbentahan ng ahas ang poseur buyer ng ahensya.

Nakasilid na sa sako ang limang King Cobra na ­ibinebenta sa tindahan.

Iginiit ni Capreso na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng King Cobra sa ilalim ng Republic Act No. 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.

Delikado rin umano ang pagbebenta o pag-aalaga ng King Cobra dahil sa maaa­ring makawala ito at makapambiktima ng tao.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with