Unang araw ng Simbang Gabi, ‘generally peaceful’ – NCRPO

Dumagsa ang dumalo sa unang araw ng Simbang Gabi sa Sto. Niño de Tondo, Parish sa Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines —  “Generally peaceful”. Ito ang pagtaya ng   National Capital Regional Office (NCRPO) sa unang araw ng Simbang Gabi, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay NCRPO chief M/Gen. Vicente Danao Jr., wala namang naitalang  ‘untoward incidents’ ang mga district directors sa kani-kanilang mga nasasakupan.

Sinabi ni Danao na ma­higpit ang kanyang bilin na magpatrulya at paalala­hanan ang publiko mula sa pag-alis ng bahay. Hinikayat din nila ang mga magsisimba na iwasan na muna ang pagsusuot ng mga alahas na siyang tinatarget ng mga kawatan.

Kailangan ding maging alerto ng publiko sa ka­nilang mga dinaraanan at nakakasalamuha.

Binigyan diin naman ni NCRPO spokesperson Lt. Col. Jenny Tecson,  na maagang napakalat ang  mga pulis bukod pa sa mga nagro-roving.

Lumilitaw sa monito­ring ng NCRPO,  na nasa mahigit 61,000 crowd ang nagsidalo sa tinatayang 313 simbahan.

Tinatayang nasa  3,000 pulis naman ang pinakalat ng NCRPO katuwang ang mahigit 11,000 force multipliers, para mapanatili ang kaayusan at para mapatupad ang minimum health protocols lalo na ang pagsusuot ng face mask at social distancing.

Show comments