Paslit patay sa sunog sa Taguig
MANILA, Philippines — Patay ang isang 11-anyos na babae makaraang maipit sa natutupok nilang bahay sa sunog na naganap sa Taguig City, kamakalawa ng tanghali.
Nakilala ang nasawi na si Sabrian Ashley Bartolome, habang sugatan din ang sanggol na si Xian Kyle Jabines, walong buwang gulang.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-12:02 ng tanghali nang sumiklab ang apoy sa mezzanine ng bahay na pag-aari ni Jaquiline Adre sa may J. Ramos St. Brgy. Ibayo Tipas, Taguig City.
Itinaas ang sunog sa unang alarma dakong alas-12:11 ng tanghali at nagawang makontrol dakong alas-12:31. Ganap na napatay ng mga bumbero ang apoy dakong alas-12:55 ng hapon.
Dalawang bahay ang tuluyang naabo habang dalawa pa ang bahagyang nasunog.
Tinataya ng BFP na aabot sa P150,000 ang halaga ng pinsala.
- Latest