Local chicken pinakamurang handa sa Noche Buena

Hinikayat din ng local food producers ang publiko na tangkilikin ang lokal na karne ng manok at baboy, gayundin ang isda dahil sigurado ang kalidad ng mga ito.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pipiliin ng ilang consumers na ihanda ang lokal na karne ng manok sa Noche Buena dahil mura ito, masustansya at mayaman sa protina.

Para kay Ma. Lee Ann Luceneso, isang housewife, kakasya ang P500 para sa panghanda sa Noche Buena.

“Manok lang kasi ‘yun ‘yung pinakamura tas ang luto ko doon ay adobo at menudo dahil adobo ‘yun ang paborito ng anak ko tas yung menudo kasi pandagdag na rin sa lamesa, kahit papano may … tapos may sukli pa naman ‘yung 500 pesos nun e. Yung iba nun halimbawa magpapansit, yung pandagdag sa pansit, magdaragdag na lang din ng additional sa manok, parang mga rekado,” ayon kay Luceneso. Naniniwala rin ito na sariwa ang mga locally produced chicken kaya mas tinatangkilik niya ito.

“Oo kasi ‘yung fresh na manok andito sa Pilipinas, maraming nagfa-farm diba. Mabilis mabenta, ‘pag kinatay, benta agad. E kung sa ibang bansa pa tayo aano, wala na, hindi na yun fresh kasi ilang araw na ‘yun bago pumunta dito e,” aniya.

Gayundin ang naging pahayag ng isang housewife na si Julie Ann Gabren.

“Fried chicken na lang siguro tsaka menudo,” sagot ni Gabren nang tanungin kung ano ang ihahanda sa Noche Buena sa halagang P500.

Ayon din sa kanya, mas pipiliin niya ang lokal na manok dahil mas masarap ito kaysa imported na karne. “Siguro po ang bibilhin ko yung pinakamura po, yung manok. Well, pwede ko po siya gawing lutong mechado kasi ketchup lang naman po yun saka po siguro isang prito,” ayon kay Giselle F. Ibañez.

Hinikayat din ng local food producers ang publiko na tangkilikin ang lokal na karne ng manok at baboy, gayundin ang isda dahil sigurado ang kalidad ng mga ito.

Show comments