^

Metro

Truck ban muling ipatutupad sa Valenzuela

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Truck ban muling ipatutupad sa Valenzuela
Batay sa city ordinance ng Valenzuela-LGU, mula Lunes hanggang Sabado, bawal dumaan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi sa ilang mga pangunahing kalsada ang mga truck.
The STAR/Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Simula ngayong Lunes, Disyembre 6, muling ipatutupad ng Valenzuela LGU ang truck ban.

Batay sa city ordinance ng Valenzuela-LGU, mula Lunes hanggang Sabado, bawal  dumaan mula alas-6 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi sa ilang mga pangunahing kalsada ang mga truck.

Kabilang sa mga kalsada ay McArthur Highway; M.H. del Pilar Street; Governor Santiago Road; P. Santiago Street; Paso del Blas; Maysan Road; General P. De Leon; East Service Road mula Karuhatan hanggang NLEX; Que Grande; A. Mariano; Tatalong Ugong; Sapang Bakaw; Ge­neral Luis at  Galas Bignay Exit

Samantala, mula 6-10 ng umaga at mula alas-3 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi ang ipatutupad na truck ban sa Bisig Road hanggang Tagalag Road.

Sakop ng truck ban ang mga may bigat na 4,500 kilo pataas.

vuukle comment

TRUCK BAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with