BuCor: Nuezca hinihinalang na-heart attack

Nuezca
STAR / File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang heart attack ang ikinasawi ni P/Master Sergeant Jonel Nuezca, ang convicted killer ng mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio sa Tarlac noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) spokesperson Gabriel Chaclag walang nakitang external injuries sa katawan ni Nuezca sa initial findings ng mga medical personnel.

Gayunman sasai­lalim pa umano ito sa autopsy para matiyak ang sanhi ng kanyang pagkasawi.

“Hopefully this week kasi gusto na­ming magkaroon ng re­solusyon na itong kasong ito kasi may mga nagsasabing baka hindi raw namatay, ’yung iba naman sabi pinatay.

So to rule out foul play and to rule out rumors ay gusto na­ming mabilis na matapos ’yung final investigation report ng National Bureau of Investigation (NBI) at mailabas natin sa public kasi alam namin public interest ito”, dagdag pa ni Chaclag.

Nadiskubreng wa­lang malay si Nuezca noong Martes (Nob. 30) ng kaniyang cell mates sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison NBP).

Matatandaang hinatulang guilty at reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagka­bilanggo ng Paniqui, Tarlac Regional Trial Court Branch 106 si Nuezca sa pagpatay sa mag-inang Gregorio.

Show comments