MANILA, Philippines — Asahan na ng mga motorista ang muling rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ang ika-apat na sunod na linggong magbababa ng presyo ang mga produktong petrolyo sa bansa.
Sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na hindi pa man pinal ang ilalabas na presyong paiiralin, subalit may forecast na nasa P0.50 hanggang P0.60 sa kada litro ng diesel ang ibabawas sa presyo habang sa gasolina ay P1.00 hanggang P1.10 kada litro ang pump prices na ibababa.
Epektibo ang panibagong rollback sa Martes, Nobyembre 30 hanggang Disyembre 6, 2021.
Wala pa namang anunsiyo ang iba pang kumpanya ng langis.
Noong nakalipas na Martes (Nobyembre 23) , pinairal ang rollback ng mga higanteng kumpanya at independent players ang tapyas na P0.85 sa kada litro ng gasolina, P1.20 sa diesel at P1.30 sa kerosene.