^

Metro

‘Di bakunadong close contacts ng COVID-19 hinikayat sa ‘Molnupiravir’ trial ng QMMC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinikayat ng pamunuan ng Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City ang mga unvaccinated close contacts ng Covid-19 patients na makiisa sa ikatlong phase ng global study upang madetermina ang epekto ng gamot na molnupiravir na sinasabing gamot sa Covid.

Ayon kay Dr. Joel Santiaguel, clinical investigator ng QMMC, ang ikatlong phase ng clinical trials ay may mas mahigpit na requirements kabilang na ang exposure sa isang mi­yembro ng pamilya na may pasyente ng Covid.

“Katulad ng ibang clinical trials, medyo mahigpit ang requirement na ito. Kasama na nga ang hindi puwede magsali kung nabakunahan na ang isang pasyente. Bukod doon, kung ang pasyente ay positive na o kung masyadong marami sa bahay ‘yung positive para sa COVID-19, hindi puwede isali. Medyo strict eh or very stringent sila sa mga requirements,” pahayag ni Santiaguel.

Ang molnupiravir ay unang oral antiviral drug na nakakatulong daw para maibsan ang matinding epekto ng virus sa isang severe patient.

QMMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with