^

Metro

2 menor de edad na inabuso, ‘di sapat ang sahod, ni-rescue

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) ang dalawang menor de edad na inabuso, pi­nagtatrabaho at hindi pinapasahod ng tama ng kanilang employer sa Navotas City.

Ayon kay Colonel Randy Glenn Silvio, regional chief ng CIDG-NCR, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa menor de edad na nagtatrabaho sa nasabing warehouse. Agad nila itong bine­ripika hanggang sa  isagawa ang rescue operations.

Naaresto naman ang tatlong Chinese employers ng mga biktima.

Batay sa reklamo ng mga biktimang sina ‘Mario’ at ‘Tony’, 12 hanggang 14 oras silang pinagtatrabaho ng kanilang  amo sa warehouse ng ‘ukay-ukay’ .

Anila, bugbog sila sa trabaho subalit P300 lamang kada araw ang pasuweldo sa kanila. Naka-padlock at nakakulong din sila sa warehouse mula umaga hanggang  hatinggabi.

Paliwanag ni Silvio, bukod sa pagpapatrabaho sa mga menor de edad, mali ang pagpapasahod at pagpapahirap ng mga employer. Kasalukuyan nang  iniimbestigahan ang  kaso.

Itinanggi naman ng isa sa mga inaresto ang akusasyon kabilang na ang pagtanggap sa mga minors.

Nahaharap ang tatlo sa paglabag sa Republic Act 9208 or the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.

 

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with