^

Metro

Yorme nagkansela ng caravan ngayong Disyembre

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Yorme nagkansela ng caravan ngayong Disyembre
Isko Moreno vows 50% fuel, electricity tax cut if elected Manila Mayor Isko Moreno holds a dialogue with farmers and residents during a town hall meeting in Barangay Banaba, Tarlac City on October 21, 2021.
STAR/ File

Para ‘di makadagdag sa trapik

MANILA, Philippines — Nagkansela  na ang kampo ng Aksyon Demokratiko ng kanilang caravan ngayong papasok ang Disyembre upang hindi na umano makadagdag pa sa lumalalang pagbubuhol ng trapiko ngayong Kapaskuhan.

“Ayaw na naming du­magdag pa sa pabigat sa mga motorista na nag­rereklamo na ng mabigat na trapiko makaraang ibaba na sa Alert Level 2 ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa,” ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, na siyang presidential bet ng Aksyon Demokratiko.

Sinabi ng alkalde na batid naman nila ang magaganap na ‘mad rush’ sa mga malls at iba pang pamilihan tulad ng Divisoria, na nagdudulot ng mabibigat na trapiko.

“Hence, the cancellation of all motorcades of our supporters beginning today until the first week of January 2022,” pahayag ni Moreno.

Bago ito, higit sa 5,000 motorcycle riders at nasa 500 sasakyan ang sumama sa kanilang “Bluewave caravan” noong Nobyembre 14 sa Metro Manila habang may kapareho ring caravan sa Butuan City noong Nobyembre 21 at Cebu City noong Nobyembre 14.

AKSYON DEMOKRATIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with