^

Metro

Grupo ng aktor na si Pen Medina, nagrali nang walang face mask

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muntik nang mauwi sa pwersahang pag-aresto ang pagsugod ng beteranong aktor na si Pen Medina kasama ang humigit-kumulang 30-katao na nagkilos-protesta sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Sa report ng QC Task Force  Disiplina, pawang mga walang suot na face mask at walang pakialam sa umiiral na health protocol ang grupo ni Medina kasama ang aktibis­tang si Nicanor Perlas nang sumugod sa QMC.

Si Perlas ay ang kaparehong indibiduwal na naglabas ng sarili niyang cease and desist order na ibinigay sa Ma­lakanyang at iba pang ahensya ng gobyerno na humihiling na ipatigil na ang  umano’y walang kwentang pagbabakuna kontra COVID-19.

Bitbit ng grupo ni Medina at aktibisa ang mga plakard na kumukontra sa pagbabakuna ng buong mundo laban sa COVID-19 dahil wala raw itong scientific basis.

Napasugod sa lugar ang mga tauhan ng TF Disiplina at mga pulis  mula sa QCPD para ipatigil ang pagkilos ng grupo ni Medina at Perlas na karamihan ay mga senior citizen.

Matapos ang mahabang paliwanagan at pakiusap ay mahinuhod namang sumunod ang grupo at hindi na humantong pa sa pag-aresto sa mga nagrali.

PEN MEDINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with