^

Metro

Estudyante pumalag sa snatcher ng cellphone, kritikal sa saksak

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Estudyante pumalag sa snatcher ng cellphone, kritikal sa saksak
Sa imbestigasyon nina P/Staff Sgt. Ernie Baroy at P/Staff Sgt. Mardelio Osting, nagbibisikleta ang binatilyong biktima sa bahagi ng Hito St., Brgy. Longos para bumili ng pagkain nang mangyari ang insidente bandang 12:50 ng mada­ling araw.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 17-anyos na estudyante ang malubhang nasugatan makaraang pagsasaksakin ng isang pinaghihinalaang notor­yus na snatcher nang pumalag sa tangkang pang-aagaw sa kaniyang cellphone sa Malabon City, kahapon ng mada­ling araw.

Sa imbestigasyon nina P/Staff Sgt. Ernie Baroy at P/Staff Sgt. Mardelio Osting, nagbibisikleta ang binatilyong biktima sa bahagi ng Hito St., Brgy. Longos para bumili ng pagkain nang mangyari ang insidente bandang 12:50 ng mada­ling araw.

Bigla na lamang sumulpot ang suspect na si Rodinito Samaro alyas Potpot, 30, ng Block 1, Lot 30, Pampano St. at tinangkang hablutin ang cellphone ng biktima subali’t nabigo ito matapos na makaiwas ang biktima.

Dahil dito ay nairita ang suspect na naglabas ng ice pick at pinagsasaksak ang biktima ng ilang beses sa likuran nito bago mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon na umagaw ng atensyon sa mga tao sa lugar ang insidente.

Agad sinaklolohan ng mga nagrespondeng Brgy. Tanod ang binatilyo na mabilis na isinugod sa Tondo Medical Center upang malapatan ng lunas.

Ipinag-utos na ni Malabon City Chief of Police P/Col. Albert Barot ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy at mapanagot sa batas ang suspect.

PAMPANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with