^

Metro

Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan - MMDA

Ludy Bermudo, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan - MMDA
The Makati skyline is seen in this file photo.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.

Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga ng mas mabigat na daloy ng trapiko kaya kinausap nila ang mall owners sa ganitong aksyon.

Iginiit din aniya, ng mall operators na problema umano rito ang curfew at limited capacity na pinapayagan sa mga public utility vehicles (PUVs).

Ayon naman kay Abalos na nakatakda silang magpalabas ng resolution tungkol sa curfew na napagkasunduan na rin ng Metro Manila mayors., Maging ang public transport naman ay itinaas na sa 70% capacity ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Una nang hiniling ni Abalos sa mall operators ang pagpapahaba ng ­operating  hours at huwag magsagawa ng sale kapag weekdays at sa halip ay weekends at holidays na lamang upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko at matulungan ang pagbangon ng ekonomiya.

Ang curfew na ipinapatupad sa rehiyon ay nagsisimula ng alas-12 ng ha­tinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

“In fact, nag-uusap na ang mga alkalde as we are talking right now. Inaayos  na rin ‘yung draft of the resolution, if ever. Nagkakabotohan kasi. Pagkaboto nila, I have to draft the resolution. And then, they will have to sign it, by e-signature, bawat isa,” ani Abalos.

 

MMDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with