^

Metro

6 kotong cops sa Maynila, masisibak – Eleazar

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
6 kotong cops sa Maynila, masisibak – Eleazar
Ito ang tiniyak ni PNP Chief General Guillermo Eleazar kasabay ng pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga pulis na sina PSSg Jeffrey Meija, PCpl Johndee Toledo, PCpl Jigie Azores, PCpl Kevin John Villanueva, Pat. Kenneth Cordova at Pat Danny Rangaig
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Masisibak sa serbisyo ang anim na kotong cops sa Maynila.

Ito ang tiniyak ni PNP Chief General Guillermo Eleazar kasabay ng pagsasampa ng kasong administratibo at kriminal laban sa mga pulis na sina PSSg Jeffrey Meija, PCpl Johndee Toledo, PCpl Jigie Azores, PCpl Kevin John Villanueva, Pat. Kenneth Cordova at Pat Danny Rangaig

Nag-ugat ang kaso sa reklamo ni Brgy. 313 Sangguniang Kabataan chairman Jericho Laniog, 24, na hinuli ng mga pulis dahil sa paglabag Ordinance 8737 (Metro Wide Curfew).

Magugunitang sinita ng mga pulis si Laniog at kasamahan nito na nakuhanan ng shabu sa Luzon Street sa Maynila.

Hiningan umano ng pera ng mga pulis ang da­lawang naarestong violators kapalit nang kanilang kalayaan. Nasa P47,000 ang naibigay ng biktima sa mga pulis makaraang maisanla ang kanilang motorsiklo at alahas.

Nang makalaya nagsampa ng reklamo si Laniog kaya agad namang inaresto ang mga sangkot na pulis.

KOTONG

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with