Dagdag na police visibility sa simbahan, malls inutos ni Eleazar

Ang kautusan ay ginawa ni Philippine Natio­nal Police (PNP) Chief, Gene­ral Guillermo Lorenzo Eleazar bunsod ng apela ng Departmet of Health na dumagsa ang tao sa mga malls, simbahan at pasyalan matapos na ibaba sa alert level status sa rehiyon.
Release / JTF CV Shield

MANILA, Philippines — Inutos ni Philippine Natio­nal Police (PNP) Chief, Gene­ral Guillermo Lorenzo Eleazar ang dagdag na police visibility sa iba’t-ibang  establisimyento matapos ang pagdagsa ng  tao nang ibaba ang Metro Manila sa Alert Level 3.

Ang kautusan ay ginawa ni  Eleazar bunsod ng  apela ng Departmet of Health na dumagsa ang tao sa mga  malls, simbahan at pasyalan matapos na ibaba sa alert level status sa rehiyon.

Ayon kay Eleazar, naiintindihan niya ang kasabikan ng publiko na makagala at makalabas ng bahay subalit kailangan pa rin nilang alalahanin ang banta ng CO­VID-19.

Ani Eleazar, hindi pa rin dapat na maging kampante ang publiko dahil posible pa rin ang  hawaan  at pagkalat ng virus.

“Nauunawaan namin ang pagkabahala ng ating mga kasamahan sa Department of Health at sa medical community patungkol sa mga report na ipinakita kung saan nag­dagsaan ang mga tao sa mga pasyalan, malls at iba pang mga lugar noong nakaraang weekend,” ani Eleazar.

Hindi umano nasusunod ng  publiko ang  health protocols  sa kabi-kabila ng paalala ng mga pulis.

“Natutuwa kami sa PNP na kahit paano ay bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa ating bansa subalit hindi dapat maging dahilan ito para tayo ay maging kampante at balewalain ang health safety protocols dahil kung hindi, ang panandaliang kaligayahan na ating nararamdaman ngayon ay mauuwi na naman sa matagal na lockdown,” dagdag pa ng PNP chief.

Show comments