MANILA, Philippines — Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang chief of staff ni Mayor Isko Moreno na si Dr. Cesar Chavez upang tumutok umano sa kaniyang posisyon sa isang istasyon ng radyo.
Kasabay nito, itinanggi ni Chavez na walang nagaganap na ‘infighting’ o awayan sa loob ng kampo ni Moreno na tatakbo sa pampanguluhang halalan sa 2022.
“Yes. No infighting in Isko’s camp,” giit ni Chavez.
Sinabi ni Chavez na inalok sa kaniya ng Manila Broadcasting Company (MBC) ang isang posisyon noon pang Marso at kaniya itong ipinaalam agad kay Mayor Isko pati ang intensyon na tanggapin ang alok.
Nagsumite si Chavez ng resignation letter noong Agosto 30 at naging epektibo nitong Setyembre 30.
“Salamat Yorme sa pag-unawa, at pagkakataon makapagtrabaho sa Maynila. Napakaraming magagaling at matitino sa city hall,” ayon kay Chavez.