MANILA, Philippines — Nagtuluy-tuloy na ang lingguhang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa dahil sa ikapitong pagkakataon ngayong Martes ay ipatutupad ang isa pang big-time price hike.
Ayon sa Chevron Corporation simula alas-12:01 ng madaling araw may dagdag nang P1.50 sa kada litro ng ng diesel, P1.30 sa gasoline at P1.45 sa kada litro ng kerosene.
Ang Pilipinas Shell, Petron Corporation at Sea Oil ay magtataas sa kahalintulad din halaga simula alas-6:00 ng umaga ngayong araw.
Ang PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Unioil Philippines ay pareho lang ang presyong idaragdag sa mga produktong gasolina at diesel,habang wala naman silang kerosene.
Ang Clean Fuel naman sa pareho ring halaga ang itataas na mararamdaman pa dakong alas-4:01 ng hapon.
Ayon kay PTT Philippines Communication Officer Jhay Julan, epekto ang big time price hike sa galawan ng presyo sa pandaigdigang merkado