Nagsori sa nakaalitan, tinigok sa saksak

MANILA, Philippines — Tinadtad ng saksak sa katawan ang isang truck driver na nagsori sa kanyang nakaalitan sa Parola, Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Nicanor Bon Mercadal, ng Area B Parola, Tondo dahil sa  rami ng tinamong saksak sa katawan.

Naganap ang krimen bago mag-alas 9 ng gabi noong Linggo sa Brgy. 20, Parola, Tondo.

Batay sa ulat, ng mga saksing sina Danilo Cayona at Raquel Amon habang nag-iinuman sila kasama ang suspek na si Ricardo Madriaga, nang lumutang ang biktima at pilit na humihingi ng tawad sa huli hinggil sa naging dati nilang alitan.

Sa halip na maayos, na­ging mainitang pagtatalo ang namayani hanggang sa saksakin ng ilang ulit ng suspect ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Show comments