MANILA, Philippines — Habang nasa ilalim ng Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR) umabot na sa 236,764 health protocol violators ang naitala sa rehiyon.
Lumilitaw na mula Setyembre 16 hanggang Oktubre 7, nasa 10,762 ang naitatalang ‘pasaway’ araw-araw ng PNP.
Nabatid na 53% ang binigyan ng warning, 41% ang pinagmulta, habang 6% ang pinarusahan.
Naitala naman ang 167,497 inidibiduwal na lumabag sa minimum public health standards sa gitna ng pandemya habang 2,562 ang nahuling lumabas na hindi naman authorized persons outside residence (APORs).
Sa mga lumabag sa curfew, 66,705 ang naitala o 3,032 kada araw. Nasa 2,562 dito ang hindi awtorisadong lumabas.