Ilang lugar sa Quezon City, 24 oras mawawalan ng tubig

Ayon sa Maynilad Water, ang scheduled water interruption ay dulot ng gagawing repair sa isang leak sa may 1 feet diameter valve na nakakonekta sa 5 feet diameter water pipeline sa General Luis kanto ng Rebisco Road sa Brgy. Nagkaisang Nayon sa Quezon City.
Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Mawawalan ng suplay ng tubig ang maraming lugar sa Quezon City ng may 12 oras simula Oktubre 12 sa ganap na alas -10 ng gabi hanggang Oktubre 13 ng alas- 10 ng gabi.

Ayon sa Maynilad Water, ang scheduled water interruption ay dulot ng gagawing repair sa isang leak sa may 1 feet diameter valve na nakakonekta sa 5 feet diameter water pipeline sa General Luis kanto ng Rebisco Road sa Brgy. Nagkaisang Nayon sa Quezon City.

Dulot nito, walang tubig sa naturang araw at oras ang mga lugar ng Brgy. Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon, North Fairview, Novaliches proper, San Agustin at Santa Monica sa lungsod.

Nagpaalala ang Maynilad sa mga maaapektuhang residente na bago sumapit ang Martes, Okt. 12 ay mag-ipon na ng tubig upang may magamit sa panahon ng water interruption.

Show comments