MANILA, Philippines — Naghain na ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) ang mag-amang sina Caloocan City Mayor Oca Malapitan na tatakbo bilang Kongresista ng 1st District, habang si Rep. Dale ‘Along’ Malapitan naman ang tatakbo sa pagka-alkalde sa lungsod.
Bago mag-file ng kaniyang kandidatura ay sinamahan ni Mayor Oca na magsumite ng kanilang COC ang buong Team Aksyon at Malasakit Team sa pangunguna ni Mayoralty Candidate Along at Vice Mayoralty Candidate Karina Teh.
Sakaling maupong alkalde tututukan ni Along ang edukasyon, kalusugan, pagpapaigting ng kanyang mga recovery programs at peace and order ng lungsod.