Liquor ban sa Valenzuela, inalis na
MANILA, Philippines — Pinapayagan na ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela ang pag-inom at bentahan ng alak bagama’t nasa Alert Level 4 ang Metro Manila.
Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, pinawawalang bisa na ang Stay Sober Ordinance sa lungsod.
Gayunman, ipinagbabawal pa rin ang mga social gatherings o kumpulan. Kailangan pa ring panatilihin ang social distancing
Hindi rin papayagan ang tagay o hiraman ng mga baso sa inuman, at iba pang kagamitan.
Marami naman ang nagpahayag ng pangamba posibleng muling lumobo ang mga kaso ng COVID-19 sa lungsod dahil sa inaasahang magiging paglabag sa mga health protocols.
Ayon sa ilang mga residente, nawawala na sa katinuan ang isang indibiduwal kung nasa ilalim ng impluwensiya ng alak.
- Latest