Sementeryo sa Maynila sarado muli sa Undas
MANILA, Philippines — Maagang nag-anunsyo si Manila City Mayor Isko Moreno sa pagsasara ng mga pampubliko at pribadong sementeryo sa loob ng lungsod sa paggunita ng Undas ngayong taon.
Bukod sa mga sementeryo, isasara rin ang mga kolumbaryo at maging ang Muslim Cemetery mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3 sa ilalim ng Executive Order No. 33.
Tanging papayagang makapasok sa loob ng mga sementeryo ang paglilibing at cremation ng mga pumanaw ng hindi dahil sa COVID-19 ngunit kailangan pa ring magpatupad ng mahigpit na pagsunod sa ‘minimum public health standards at social distancing’.
Binalaan ni Moreno ang mga mabibigong sumunod sa kautusan na maaaring magresulta sa pagkansela ng kanilang Mayor at business permits.
Una na ring isinagawa ang pagsasara ng mga sementeryo noong Undas 2020 upang maiwasan pa rin ang hawaan ng COVID-19 ngayong nasa ilalim pa rin ang buong mundo sa pandemya.
- Latest