^

Metro

Matapos ang 40 taon: Higit 1,500 pamilya sa Payatas mabibiyayaan na ng lupa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Matapos ang 40 taon: Higit 1,500 pamilya sa Payatas mabibiyayaan na ng lupa
Ito’y matapos na tuparin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pangako sa mga residente ng Ramawil 9.6 Homeowners Association Inc. sa Barangay Payatas, may dalawang taon na ang nakalilipas.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit 40 taon, ay mapapasakamay na ng 1,518 pamilya sa Payatas ang mga lupaing kinatitirikan ng kanilang mga tahanan.

Ito’y matapos na tuparin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pangako sa mga residente ng Ramawil 9.6 Homeowners Association Inc. sa Barangay Payatas, may dalawang taon na ang nakalilipas.

Nilagdaan ni Belmonte nitong weekend ang Deed of Conditional Sale ng mga lupain, kasama sina Ramon Asprer, head ng Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD), at Atty. Roderick Sacro ng Landbank of the Philippines, upang pormal na makuha ang 157 parsela ng lupain na dating pagma-may-ari ng Landbank.

Labis naman ang pasasalamat ni Ramawil 9.6 Homeowners Association Inc. president Razul Janoras sa city government dahil sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na magkaroon ng security of tenure sa lupain na tinitirahan na nila ng apat na dekada.

“At long last, sa hinaba-haba ng panahon, kay ­Mayor Joy Belmonte lang pala matu­tupad ang aming pinapangarap na lupa,” ayon kay Janoras.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Belmonte ang Landbank of the Philippines, gayundin ang Sangguniang Panlungsod dahil sa pagpasa ng City Resolution SP 8094-S-2020, na nagkakaloob sa kanya ng authority to acquire, sa pamamagitan ng nego­tiated sale sa naturang parsela ng lupain.

Nabatid na nakumbinsi ni City Administrator Michael Alimurung, HCDRD, at ng City Appraisal Committee, ang Landbank na i-settle ang halaga ng ari-arian sa P209,244,000 na lamang, na mas mababa sa orihinal na alok ng Landbank na P257,070,000.

Kasunod ng acquisition ng QC government, ang mga benepisyaryo ay kailangang magbayad sa city government para sa lupa na kanilang inookupa sa pamamagitan ng direct sale program, sa halagang P3,000 kada square meter.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with