Quezon City hospitals punuan pa rin sa mga pasyenteng may COVID-19
MANILA, Philippines — Overcrowded pa rin na maituturing sa mga pasyente na may COVID ang lahat ng mga government hospitals na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Quezon City government.
Ito ang pahayag ni Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveilance Unit ng QC health Department, punuan pa rin ang mga ICU bed, emergency bed at ward bed sa tatlong pagamutan na pinangangasiwaan ng lungsod.
Anya ang Dr. Rosario Maclang Bautista General Hospital ay 139% occupied ang lahat ng kama, habang nasa 98% ang okupado sa QC General Hospital at 160.40% naman ang Novaliches District Hospital.
Gayunman, sinabi ni Dr Cruz na unti-unti namang nababawasan ito kung ikukumpara sa mga nakaraang linggo.
Samantala, bumaba na rin sa 51.01% ang Occupancy Rate ng mga Community Caring Facilities ng QC.
Sa labing-dalawang caring facilities ng lungsod, tanging ang HOPE 2 at HOPE 4 na lamang ang may mataas na kaso ng covid-19.
Samantala, nagkaloob ng ayuda ang ilang pribadong sektor sa lokal na pamahalaan ng Quezon City para tulungan sa paglaban sa COVID-19 ang mga ospital na pinangangasiwaan ng lungsod na nasa critical level pa rin dahil sa rami ng mga pasyenteng tinamaan ng virus.
Kabilang sa nagbahagi ng tulong ang QC Association of Filipino-Chinese Businessman Inc. na nagbigay ng oxygen tanks at regulator para sa lungsod.
Sa pulong naman ng Quezon City government at mga kinatawan ng Reckitt Benckiser Group, nangako ang kompanya na makikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mas mapaigting ang kalinisan at kaayusan sa mga vaccination sites at ospital.
- Latest