Koreano na dawit sa cyber prostitution, timbog ng BI

Kinilala ni Immigra­tion Commissioner Jaime Morente ang nadakip na si Park Seongh­yeok, 47.
Pixabay

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national na wanted sa kanilang bansa dahil sa cyber prostitution kung saan kumita na ng higit sa 21 bilyong won o 17.7M US dollars.

Kinilala ni Immigra­tion Commissioner Jaime Morente ang nadakip na si Park Seongh­yeok, 47.

Nadakip siya ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit sa tinutuluyang condominium sa Taguig City.

Nahaharap si Park sa warrant of arrest na inilabas ng Daejeon district court sa South Korea habang pinawalang-bisa na rin ang kaniyang pasaporte at may red notice sa Interpol dahil sa prostitusyon.

Nabatid na nagta­yo si Park at mga ka­sabwat ng internet website na nagbebenta ng mga babae para sa prostitusyon noong Hunyo 2014.

Higit 2,000 mga prostitution house  ang ina-advertise ng kanilang website at kumita na sila ng 21 bil­yong won sa naturang raket.

Show comments