8 madre sa kumbento, patay sa COVID-19
MANILA, Philippines — Walong madre buhat sa Congregation of the Religious of the Virgin Mary (RVM Sisters) sa St. Joseph Home sa Quezon City ang nasawi sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni RVM Sister Maria Anicia Co, tagapagsalita ng kongregasyon na ang mga nasabing madre ay may edad 80 hanggang 90-anyos ay kabilang sa 62 madre na nagpositibo sa virus sa naturang kumbento.
Idinagdag pa nito na ang walong nasawing madre ay hindi nabakunahan dahil nakaratay na rin sila sa mga iniindang sakit.
Anya bukod sa mga madre na nagpositibo rin sa COVID-19 ang 52 empleado ng kumbento.
“The personnel are still young so they are on the road to recovery. Some Sisters are moving from symptomatic to asymptomatic. Eight of the Sisters, aged 90s and 80s, afflicted with COVID returned home to our heavenly Father,” pahayag ni Sister Co.
Niliwanag naman ni Sister Co na mali ang balitang ang hindi pagpapabakuna ang ugat ng pagsibol ng virus sa loob ng kumbento dahil noong Mayo at Hunyo ay naisagawa ang unang batch ng pagbabakuna sa mga RVM sisters at naisagawa ang ikalawang batch ng bakuna noong Hulyo.
Tanging ang mga nasawing madre anya ang hindi agad nabakunahan dahil nakaratay sila sa tinataglay na karamdaman.
- Latest