^

Metro

Yellow ribbon sa mga bahay sa Pateros na may COVID-19 cases

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Yellow ribbon sa mga bahay sa Pateros na may COVID-19 cases
Ito aniya ay bahagi ng mga bagong panuntunan ng munisipalidad sa ilalim ng General Community Quarantine Alert Levels System na sinimulang ipatupad ng pamahalaan sa Metro Manila kahapon.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III na lalagyan nila ng tag na yellow ribbon o dilaw na laso, ang mga tahanan sa kanilang lugar na may positibong kaso ng COVID-19.

Ito aniya ay bahagi ng mga bagong panuntunan ng munisipalidad sa ilalim ng General Community Quarantine Alert Levels System na sinimulang ipatupad ng pamahalaan sa Metro Manila kahapon.

“To ensure that it will be secured and for easy identification, we will put a tag. This is no longer embarrassing. We are no longer embarrassed to say, be known by our neighbors that we tested positive,” anang alkalde, na umamin din na may mga miyembro ng kaniyang pamilya ang nagpositibo rin dati sa virus.

Ayon kay Ponce, ang tahanan na matutukoy na may positibong kaso ng sakit ay isasailalim din sa lockdown sa loob ng 14-araw, at ang mga miyembro nito ay hindi muna papayagang makalabas ng kanilang tahanan.

Maging ang mga tahanan ng mga na­ging close contact ng COVID-19 patient ay ila-lockdown din.

Binalaan naman niya ang mga taong ang tahanan ay nakasailalim sa lockdown na huwag lumabas ng bahay at istriktong tumalima sa mga panuntunan na itatakda ng municipal government.

Tiniyak din naman ng alkalde na magpapadala ang lokal na pamahalaan ng mga kakailanganing supplies kabilang na ang mga pagkain sa mga apektadong tahanan.

Kaugnay nito, iniulat ni Ponce na ang mga aktibong COVID-19 cases sa Pateros ay umabot na sa mahigit 700.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), nabatid na ang Pateros ay mayroong 17 Delta variant cases, na mas mataas kumpara sa 12 kaso lamang noong huling bahagi ng Agosto.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with