^

Metro

326K quarantine violators nasita noong MECQ sa NCR – Eleazar

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa  326,000 qua­rantine protocol violators o 12,600 indibiduwal kada araw  ang nasisita ng mga pulis habang nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Qua­rantine (MECQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Eleazar ang nasabing bilang ay mula lamang Agosto 21 hanggang September 15.

“Ayan ‘yung nakita lang natin, nag-aaverage ng 12,600 per day, ‘yan ay sa Metro Manila,” ani Eleazar.

Nabatid na  sa nasabing bilang 59 porsiyento ang binigyan ng warning, 36 porsiyento ang  tinikitan habang 5 porsiyento  ang  kinasuhan.

Subalit ngayong nasa GQC Alert Level 4 ang  NCR at maraming industriya  at establisimyento ang nagbukas, apela ni  Eleazar  sa publiko,  sundin na lamang ang mga health protocols upang maiwasan pa rin ang hawaan ng virus. Aniya, hindi na nila  mamomonitor  at matse-check ang travel movement ng  publiko.

Sa ngayon, nasa 54 na barangay ang naka-granular lockdown sa National Capital Region o NCR kung saan nakasentro ang pagbabantay ng mga pulis.

Naka-deploy rin aniya ang mga pulis sa mga establi­simyento na pinayagan na ulit magbukas simula kahapon upang matiyak na nasusunod ang minimum public health standards.

Itinuturing naman ni Eleazar na “generally peaceful”ang unang araw ng pagpapatupad ng Alert Level System sa NCR.

MECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with