Bakuna sa kabataan, isinusulong
MANILA, Philippines — Kailangan na umanong simulan na ang pagbabakuna sa mga kabataan na nasa 12 hanggang 17-anyos laban sa COVID-19.
Ito’y sa sandaling maaprubahan ang panukalang resolution na inihain ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco sa QC Council para mabakuhan ang mga kabataan na menor-de-edad.
Sa dalawang pahinang resolution ni Francisco nakasaad sa resolution nito na, Resolution Requesting the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) to include children 12 to 17 years of age in the Government Vaccination program.
Ayon sa panukala ni Francisco na tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan para sa kalusugan ng mga residente ng lungsod kabilang na rito ang mga menor-de-edad dahil sa dumaraming kaso ng nahahawaan ng COVID.
Sinabi pa sa resolution ng konsehal na base sa direktiba ng Department of Health sinabi nito na sinusugan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagamit ng emergency authorization ng Pfizer na maisama ang mga menor-de-edad sa pagbabakuna.
- Latest