^

Metro

Walang ‘putol-kuryente’ sa mga naka-granular lockdown sa Metro Manila

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Walang �putol-kuryente� sa mga naka-granular lockdown sa Metro Manila
Oras umano na ma­isailalim ang Metro Manila sa General Community quarantine ay balik na sa pamumutol ng kuryente sa mga consumers na may unpaid bills, pero exemp­ted dito ang mga nakatira sa mga lugar na nasa granular lockdown sa Metro Manila.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi kasama sa puputulan ng kuryente ang lahat ng electric consumers na nasa ilalim ng granular lockdowns sa Metro Manila oras na magbalik ang disconnection activities ng Meralco sa mga consumers na may unpaid bills maka­raan ang  September 15.

Sa September 15 ay magtatapos ang implementasyon ng modified enhanced community quarantine (MECQ)  at papalitan na ng bagong quarantine protocol sa Metro Manila para matulungan ang mga negosyo na makaba-ngon sa epekto ng pinahigpit na protocol.

Oras umano na ma­isailalim ang Metro Manila sa General Community quarantine ay balik na sa pamumutol ng kuryente sa mga consumers na may unpaid bills, pero exemp­ted dito ang mga nakatira sa mga lugar na nasa granular lockdown  sa Metro Manila.

Una rito, inanuns­yo ng Meralco na may dagdag singil sila nga-yong September bill ng mga consumers. May P0.105 kilowatts-per-hour ang taas-singil sa kuryente o may P21 hanggang P53 taas- singil sa mga  average households.

Niliwanag ni Me-ralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na ang power rate hike ay dulot ng pag­taas ng halaga ng generation charge ng mga planta na naka-kontrata sa Meralco.

GRANULAR LOCKDOWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->